“Ate ano yang binabasa mo pocketbook?”—-BLASTED!
Bob Ong’s 9th installment.
Hindi ko pa talaga nababasa yung last book: “Ang mga kaibigan ni Mama Susan.” Pero nung nakita ko to sa website ng visprint http://visprintpub.blogspot.com/ last year, gusto ko na agad siyang basahin. Namiss ko ang walang kupas na padali ni Bob Ong sa mga katha nya. Dito iisang mensahe lang ang pinahahayag ng manunulat patungkol sa pattern ng mga pelikulang Pilipino. Kung hindi remake ng isang old movie (mapa-foreign movie man o Pinoy) ang palabas, e sumusunod ito sa pattern ng mga pelikula(i.e, magkakapalit-palit ng babies, palpak at tapos na ang bakbakan sa ka dumating ang mga pulis. me ending na laging me mamamatay, ikakasal o manganganak,”.) O kadalasan dinadaan nalang sa special effects at malalaking pelikula na may malalaking artista ang napepremiere, madalas wala namang kwenta. At me palagiang tradisyon na sequels sa bawat pelikula, pero kadalasan halos wala namang laman ang pelikula. Nakaka-loko lang isipin pero lagi naman itong tinatangkilik ng mga masa. Puro pa “feel good” ang patok sa karamihan kasi nga Pilipino, mas gusto happy endings na may sasayaaw nga sa beach kunwa magkakabati na ang Bida at Kontrabida, parang wala lang.
Tulad na lang sa cover ng libro, catchy. Agaw mata at gusto mo agad siyang basahin. Sa ganito na dinadaan ngayon ang pelikulang ilalabas, kaya parang me ipinahiiiwatig din si Bob Ong sa cover pa lang. 3 movies, stories & genre at nasa script form. Nagulat lang ako binanggit nya yung Tumblr dito, me Tumblr kaya sya?
Akma ang libro sa Valentines, color pink
*Photo not taken with Instagram
Maraming salamat Kelvz sa pagsponsor! :)
- EBA: Kaya asiwa ako sa mga “book lovers.” Feeling laging matalino. Pauulanan ka ng mga pamagat ng libro at pangalan ng author na sila lang ang nakakakilala para ipamukha sa ‘yong ang galing-galing nila. Pakiramdam mo tuloy sobrang bobo mo na.
- DIEGO: Hindi naman siguro lahat. Ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matutunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.













